Kung ang ibang Kapuso stars, bising-busy…RHIAN AT LOVI, WA' NANG CAREER, TODO-PASARAP PA ABROAD
- BULGAR

- Jan 10, 2019
- 1 min read

MAY ilang fans and supporters nina Lovi Poe at Rhian Ramos ang nagtatanong kung wala bang seryeng gagawin ang dalawang sexy and beautiful Kapuso stars sa GMA-7 sa taong 2019?
Sa plugging kasi ng mga bagong TV shows ng Siyete for 2019, eh, hindi nababanggit kung kasama sina Lovi at Rhian. Parehong nasa bakasyon abroad ang dalawa samantalang ang karamihan sa mga Kapuso stars ay busy na sa pag-uumpisa ng kani-kanilang gagawing serye sa GMA Network.
Si Rhian, ang paalam ay mag-aaral sa USA at mawawala nang ilang buwan, habang si Lovi ay bakasyon-grande at hindi nagmamadali na magkaroon ng new show.





Comments