Hiwalay daw muna… NADINE, KAIBIGAN NI JAMES ANG BAGO


USO yata ang hiwalayan ng love team ngayon dahil pati sina James Reid at Nadine Lustre (JaDine) ay maghihiwalay muna.
Si Sam Concepcion na kaibigan ni James ang bagong leading man ni Nadine sa pelikulang Indak.
Dance movie ang Indak at ayon kay Nadine ay bagung-bago ito for her na matagal na raw niyang gustong gawin.
May isa pang movie si Nadine, ang Ulan na hindi rin kasama si James at sa halip ay sina Carlo Aquino, Marco Gumabao at AJ Muhlach ang kanyang mga co-stars.
Si James naman ay may Pedro Penduko na as we all know ay solo film niya though may cameo naman daw si Nadine rito.
Nauna nang naghiwalay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang gumawa ang huli ng Three Words to Forever. Hiwalay din ngayon ang AlDub na sina Alden Richards at Maine Mendoza.





Comments