top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BATANG MADRID AT HAPPY MAN, MALAKI ANG PANALO SA CARMONA

  • Green Lantern
  • Jan 10, 2019
  • 2 min read

RENDA at LATIGO

MABIGAT ang loob ng ibang mananaya lalong lalo na ang mga liyamadista dahil umulan ng dehado noong Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Ca­vi­te. Ngayong gabi matu­tung­­hayan ng “Bayang Kareris­ta” ang pitong karera sa Santa Ana Park sa Naic Cavite. Sa Race 1, nakalala­mang ang Sultry Giulia na entry ni Putch Puyat at makakalaban ang alaga ni dating Congressman J.A Lapuz ang Show off at Providence ni F.P.Ma­ris­tela na pagpipilian bilang pamoste sa Winner-Take-All (WTA).

Sa pag-uumpisa ng Pick 6 event, ipinapatok sa Race 2 ang Couple Entry na Ba­tang Madrid- Happy Man at magbabanta ang Inggit Ka Lang at isama sa trifecta ang entry no.1.

Sa Race 3, ipinapayo ko na kunin ang tatlong kalahok na Entry No.5 na kalahok ni Atty. Narciso Morales at Apo Island. Sa mga nagha­hangad ng dehado isama niya ang Wafu The King at My Loving Wife, bilang kalahok sa Pick 5. Ipinapatok ko ang Beach Surfer at Facing Dixie ay forecast only.

Sa Race 5 nakalalamang ang Break and Shine at Gee’s Delight at nakakaban ang Ten Ten Forty at entry no.5, sa mga dehadista na riyan ang June Eleven. Tatlong mana­nakbo ang napipisil ko na isama sa paratingan, ito ay ang Love Affair, Great Britain, Cole is Bright at Himpa­pawid sa Race 6.

Sa Race 7, isama sa mga paratingan ang Beautiful Chloe, Board Walk, Dalda­lero at Black Magic Woman.

Tip ni Mang Ding Race 1- Sultry Giulia(1) Show Off (5) Providence(7) Race 2 - Entry No.3 , Inggit Ka Lang(4) Race 3- Entry No.5 , Apo Island (4) Wafu the King(3) Race 4- Beach Surfer (4) Facing Dixie (1)

Race 5- Entry No.2 , Ten Ten Forty(6) Race 6- Great Britain(1) Love Affair(3) Himpapawid(2) Race 7- Daldalero (4) Black Magic Woman(5) Board Walk(3)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page