12 adik tiklo sa drug den
ILIGAN CITY—Labindalawang adik ang nadakip sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa drug den sa Bgy. Poblacion sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Dante Benitez, Ardel Oanes, Rainer Tayone, Rey Royeras, Mark Ramil, Jeffrey Baluya, Johnny Ladion, Irish Onge, Lyka Pinas, Lyka Alcido, Manilyn Leonocito at Juvy Hinoo, pawang residente sa nasabing lungsod.
Nabatid na ang mga suspek na nakumpiskahan ng 20 gramo ng shabu ay nadakip ng mga awtoridad sa loob ng Majestic Inn sa naturang lungsod.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments