top of page

‘Ika nga, New Year, new hair, new life...SIKAT NA HAIRSTYLES NGAYONG 2019

  • Jaxx
  • Jan 10, 2019
  • 2 min read

“AYOS, new look!” Ka­sabay ng pagbabago ng taon, ang ideyang “pag­babago” natin sa ating sa­rili, partiku­lar sa ating hair­style. Sino nga ba ang hin­di makapapansin sa ating “new look” kapag binago natin ang ayos ng ating buhok? Yes, ito ang karaniwang ka­pan­sin-pansin.

Kaya naman, ibaba­hagi natin ang ilang mga winner na hairstyle nga­yong 2019:

1. RETRO STYLES. Nagbabalik ang retro styles! Ang fringes na nauso noong 60’s, shag noong 70’s at bob noong 90’s. Lahat ng hair­styles na ito ay winner pa rin ngayon, mga sissy! ‘Ika nga, kabog ang feminine classics hairstyle!

2. LONG HAIR STYLES. Sa pangkala­hatan, long layered hairstyles daw ang isa sa mga magte-trending ngayon, partikular na ang simpleng straight layers. Kaya kung hindi na natin trip ang curly hair natin, bakit hindi natin i-try na mag­paunat. He-he-he!

3. LAYERED PIXIE CUTS. Kung bet mong mag­paiksi ng bongga, push mo na ito. Nauso na ito noong 2018 dahil karamihan sa mga celebrity ay nagpagupit na rin nito. Winner ang hair­style na ito lalo na kung ma­tagal-tagal na noong huli tayong nagpa-short hair.

4. NEXT LEVEL BEACHY WAVES. Bong­ga raw ang hairstyle na ito dahil ang lakas maka-gor­geous, pero hindi trying hard. Keri rin itong ibagay kapag ang fashion style natin ay jeans, t-shirt o cocktail dress, ang lakas maka-chics!

5. THE EX­TRE­MELY HIGH PONY­TAIL. Isa sa mga nagpasi­kat ng hairstyle na ito ay si Ariana Gran­de na talaga namang bu­menta sa mga mil­lenial, kaya pa­nigura­dong hanggang nga­yong 2019 ay patok pa rin ito dahil sa sobrang hassle-free na gawin, kompor­table pa!

6. ACCESSO­RIZE IT. Sa social media, super dami na talaga ng gumagawa nito, nakaga­ganda kasi talaga! Keri na ‘yung fresh cut na mga bu­laklak, bobby pins, claw lips at mara­mi pang iba. ‘Ika nga, the more the pret­tier!

Oks lang ang simpleng pony­tail, braid at iba pa, pero ang paglalagay ng ac­cessories sa buhok natin ay mas bongga.

7. CURTAIN BANGS. Well, bakit hindi natin si­mulan ang Bagong Taon ng “bang!” as in, with bangs? Yes, ito ‘yung full bangs, pero soft lang ang cut. Super na­kaka-baby face, pero hindi cute ang dating kundi gorg!

Sabi nga nila, “life is too short to have a boring hair” kaya habang mayroon pa tayong buhok na mapa­ga­ganda, eh, go lang!

Walang masama sa pag­sunod sa uso, make sure lang na gusto ta­laga natin ito at hindi ma­kasisira sa ating ‘crow­ning glory’, kaya para sa ating new look ngayong 2019, alam n’yo na?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page