MMFF movie, nilangaw… MOTHER LILY, STOP NA SA PAGPOPRODYUS DAHIL KAY KIM
- BULGAR

- Jan 9, 2019
- 2 min read

NAIKUWENTO sa amin ng isang respetadong talent manager-cum writer na binabalak na raw ni Mother Lily Monteverde na tigilan o maghinay-hinay muna sa pagpoprodyus ng pelikula. Ito’y pagkatapos madismaya sa outcome ng MMFF entry niyang One Great Love.
Oo nga raw na malapit na sa P1-B ang kita sa nakaraang MMFF pero ang ilan sa mga entries ay hindi pinansin ng mga manonood, gaya nga ng kanyang One Great Love na isa raw makabuluhang pelikula at lalo na ang Otlum na produced ng kanyang anak via Reality Films na nasa bottom 3 as flop entries.
Kaugnay ng pagpaparamdam ni Mader na mag-lie-low sa industriya, isang producer-director naman ang naglakas-loob para maging tuluy-tuloy ang panonood ng mga makabuluhang films ng ating manonood.
Masayang ibinalita ng dating Kapuso actor na si Perry Escano na ipapalabas na rin ang pelikulang Ang Sikreto ng Piso sa January 30 na siya ang nagdirek.
Isang comedy film ang pelikulang ito starring husband-and-wife, Ariel Rivera at Gelli de Belen. Kasama rin si Bea Binene at introducing si Angelica Ulip.
Sadyang maraming kaibigang artista si Direk Perry kaya’t napapayag nitong maisama sa kanyang film ang halos dosenang artista gaya nina Long Mejia, Lou Veloso, Wacky Kiray, Ricky Rivero, Nico Nicolas, Joyce Peñas Pilarsky, Beverly Salviejo at iba pa.
Isa itong actual event na nangyari sa bansa kaugnay ng pag-i-smuggle ng Philippine peso coin nu’ng taong 2006. Kung ano ang sikreto ng mga pisong ito, ‘yun ang malalaman sa darating na January 30.
Bukod sa pagiging director-producer, si Direk Perry Escano rin ang Festival Director ng SINGKUWENTO International Film Festival, Manila, Philippines na sisimulan sa February 15 to 22 sa NCAA Theater sa Intramuros, Manila.





Comments