top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Minahan gumuho, 40 todas

Jersy Sanchez
Jan 9, 2019
1 min read

NASAWI ang 40 minero habang sugatan ang 10 iba pa matapos gumuho ang isang minahan sa north-eastern Afghanistan.

Ayon kay Badakhshan Provincial Governor Spokesperson Nek Mohammad Nazari, naghukay ang mga minero sa isang riverbed sa Kohistan District para iligal na magmina ng ginto.

Sinasabing nasa 60 metro o 220 talampakan na ang nahukay ng mga biktima nang gumuho ang minahan.

Batay sa impormasyon, nag-umpisa nang sagipin ng mga minero ang kanilang mga kasama bago pa magpadala ng rescue team sa naturang lugar.

Gayundin, nilinaw ni Badakhshan Police Spokesperson Sanaullah Rohani na landslide ang dahilan ng insidente.

Noong 2014, nasa 2,500 katao ang binawian ng buhay dahil sa mudslides na naganap din sa Badakhshan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page