Kelot dedbol sa van
ISABELA—Isang lalaki ang namatay nang aksidenteng mabangga ng van, kamakalawa sa Bgy. District 1, San Manuel sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Jayson Caperma, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na tumatawid umano sa kalsada si Caperma nang aksidenteng mabangga ito ng van na minamaneho ni Arjay Vasquez, residente ng Bgy. Daramuangan Norte, San Mateo sa nasabing lalawigan.
Dinala ng mga saksi si Caperma sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Vasquez.





Comments