Ginang sugatan sa gunman
DAVAO DEL NORTE—Isang ginang ang sugatan nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, New Corella sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Nimfa Alcoran, tubong Tagum City.
Ayon sa ulat, nakasakay sa kanyang kotse si Alcoran nang sumulpot ang suspek at sa hindi malamang dahilan ay binaril nito sa mukha ang biktima.
Ginagamot na sa ospital si Alcoran, samantalang, nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.





Comments