'Di raw sila talo ng ex-love team ni Alden…COCO, TODO-TANGGING TYPE SI MAINE
- BULGAR

- Jan 9, 2019
- 1 min read

MARAMING Eat… Bulaga! viewers ang nakapansing tila iniiwasan ni Maine Mendoza ang madikit kay Alden Richards. ‘Di tulad nu’ng kasikatan ng AlDub na kulang na lang ay maghalikan sila on-air.
May source kaming nakausap na nagsabing seloso raw ang rumored BF ni Meng na si Arjo Atayde. Pero may nagsabing may ‘MU’ ang Bulakenya at ang leading man niya sa Jack Em Popoy na si Coco Martin.
So, it’s really bye-bye to Tisoy!
“‘Di kami talo ni Maine. All throughout our shooting, nagkaroon kami ng special bonding... pero walang kulay romansa,” sey ni Coco.
Ang haba yata ng buhok ni Nicomaine. Tatlong macho-guwapito ang natsitsika sa kanya.





Comments