top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

3,000 beachgoers, nadale sa dikya

Jersy Sanchez
Jan 9, 2019
1 min read

ISINARA ng awtoridad ang ilang beach sa Gold Coast at Sunshine Coast sa Queensland, Australia matapos ang pagdagsa ng isang uri ng dikya.

Batay sa tala ng Surf Life Saving, isang coastguard association, umabot sa 3,595 katao ang nakagat ng Portugese man o’ war jellyfish.

Sinasabing mayroong napakasakit na kagat ang nasabing uri ng dikya.

Apat na beaches ang kasalukuyang sarado sa publiko.

Gayunman, nagbabala ang awtoridad na posibleng dumami pa ang bilang ng mga dikya na maaaring makita sa mga dalampasigan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page