Wa' paki na may Arjo na si Yaya Dub… ALDEN, UMAMING KANI-KANYA SILA NI MAINE SA LOVE LIFE


MASAYANG ibinalita ni Alden Richards na nakatakda nang magbukas ang franchise niya ng McDonald’s sa Biñan, Laguna.
“Mag-o-open po siya, probably, April. We’re eyeing on an Easter Sunday opening,” pagbabalita ni Alden nang makatsikahan namin sa thanksgiving party niya for the press held last Sunday.
Ano ang pakiramdam na meron na siyang franchise ng nasabing fast food chain?
“Pangarap lang po ng pamilya ko ‘yan dati, kasi may lagi po kaming kinakainan sa isang supermarket before. Akala ko po kasi noon, ‘yung McDonald’s, hindi po ibinibigay sa… Kumbaga, walang franchising. Kumbaga, galing siya sa company.
“Pero sabi ko, ‘Sana, one day, magka-restaurant kami na McDo,’ kasi we’re really avid fans of the restaurant, eh, not the competition, so we’re very happy po.
“Hindi po ako makapaniwala. Noong nakita ko po na ongoing ‘yung construction, nu’ng nakita ko po ‘yung takip sa construction site na ‘McDonald’s soon to open,’ doon lang po nag-sink-in na talagang magkaka-restaurant na po kami,” ani Alden.
Pareho silang endorser ni Maine Mendoza ng McDonald’s at naunang magkaroon ng franchise sa kanya ang ka-love team. Aminado naman si Alden na na-inspire siya rito na magtayo rin ng sariling fast food chain.
“Na-inspire niya po ako kasi siyempre, shinare rin sa akin ni Maine ‘yung idea, na ‘yung McDonald’s nga is a very good business, and then, ‘yung iba ko rin pong nakikilalang franchisees din na pinupuntahan ko po sa iba’t ibang probinsiya, they really encourage me to open a store, kasi wala pong talo.”
Bale sila nga lang daw ni Maine sa mga celebrities ang may franchise ng McDo. Pero nilinaw din ni Alden na kahit endorsers sila ay dumaan sila sa normal process at walang special treatment.
Ano ang sabi ni Maine nang malamang may McDo na rin siya?
“Nagulat po siya, natuwa po siya, kasi nakita rin po niya ‘yung operations ng McDonald’s nila sa Bulacan. Malakas po ‘yung kanila. Basta ang sinabi lang po niya sa akin, ‘Masarap pero mas marami ang hirap along the way.’
“Kasi, ‘yung sister din po ni Maine ang nagma-manage, so nakikita niya po‘yung hardships ng kapatid niya, si Nickey. So, ‘yun po ang in-orient niya sa akin, na sabihin ko sa kapatid ko (who will manage the store),” sey ng Pambansang Bae.
Speaking of Maine, siyempre ay napag-usapan din ang AlDub love team nila at ayon kay Alden, mas close talaga sila ngayon ni Yaya Dub.
“Actually, ngayon po, kaming dalawa ni Maine, mas close po kaming dalawa, mas open po kami to each other. Nakakatuwa po kasi ‘yung mga fans, talagang rooting for us pa rin, na they’re showing their support regardless po kung magkaiba man kami ng tinatahak na career as of the moment.”
Pero aminado rin naman siyang ang personal na bagay ay hindi naman nila napag-uusapan.
“Kami naman pong dalawa, as long as walang mauunang magkuwento, hindi po namin tinatanong. So, with regards po ru’n sa ibang personal stuff naming dalawa. . .”
Hindi siya nauunang magkuwento?
“Hindi po.”
Hindi rin siya nagtatanong?
“Hindi po. Siyempre, bilang gentleman po, hindi naman po ako manghihimasok sa buhay niya pero if she’s willing to share, I’m willing to listen,” aniya.
Aminado rin si Alden na talagang totoong he’s at his happiest now tulad ng ipinost niya sa kanyang Twitter account pagkatapos ng kanyang kaarawan.
Pero hindi raw dahil may nagpapasaya sa kanyang girlfriend or love life. Ang magagandang bagay daw na nangyari sa kanya noong 2018 ang nagpapasaya sa kanya.
“In my 27th year, 27th birthday, ang dami kong tiningnan noong 2018 na nangyari sa buhay ko na sobrang daming magagandang blessings. Siguro, kaya lang po ako talaga masaya, ang dami kong natutulungan dahil sa trabaho ko.
“‘Yung pamilya ko po, nadadala ko sa abroad because of my work. I’m able to secure my future. Unti-unti pong nagiging maliwanag ‘yung future ko para sa family ko, ‘yung future nila.‘Yung kaligayahan ko na lang po, ganu’n, kasi parang almost malapit na ako na unahin ko naman ‘yung sarili ko,” pahayag pa ng Pambansang Bae.
Hindi naman daw masasabing on hold ang love life niya pero talagang wala pa raw.
Samantala, ngayong taong ito, anu-ano nga ba ang aabangan kay Alden?
“This year po, bale may mga naka-line-up po akong international shows starting Holy Week. So, magdyi-GMA Pinoy TV po muna ako. Siyempre, ‘yung Eat… Bulaga! po, nandiyan pa rin saka Sunday PinaSaya.
“And then, siguro po, by 2nd or 3rd quarter po, magso-soap na po tayo ulit although wala pa pong concept. And then, there’s an idea po of a movie this year, pero still on a planning process pa rin po,” pahayag ng aktor.





Comments