Rider dedbol sa signboard
SOUTH COTABATO—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa signboard ng ginagawang kalsada sa Bgy. San Felipe, Tantangan sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Recto Malaspena, nakatira sa Bgy. Bukay-Pait sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, aksidente nabangga ng motorsiklo ni Malaspena ang signboard kaya sumemplang ito at nabagok ang ulo sa sementadong kalsada.
Dinala pa ng mga saksi si Malaspena sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments