top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PCSO, nananawagan sa paggamit ng iligal na pangalan at logo nito

  • Thea Janica Teh
  • Jan 8, 2019
  • 2 min read

HELLO, Bulgarians! Binalaan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga operator ng Peryahan ng Bayan na patuloy pa ring ginagamit ang pangalan at logo ng ahensiyang ito.

Sa mga nakalipas na araw, maraming natanggap na report si General Manager Alexander Balutan tungkol sa maling paggamit ng logo at pangalan ng PCSO. Nakaaalarma ito sa karamihan dahil hindi nila alam ang legal sa iligal. Noong March 2016, ipinasara ng PCSO ang Globaltech Online Corp dahil sa iligal nitong paggamit ng pangalan at logo ng ahensiya. Ito ay malaking insulto sa ahensiya at sa mga legal at authorized game ng PCSO at ito ay ang Small Town Lottery (STL).

Ang PCSO ay may 82 authorized companies na nag-o-operate ng STL sa buong Pilipinas at ngayon ay nawawalan ng kita dahil sa mga kakumpitensiya nitong gumagamit ng iligal na pangalan at logo ng ahensiya. Ang nakukuhang pondo sa mga authorized STL ay ginagamit para makatulong sa mga mahihirap. Nakapagbibigay ng health program at services at nakikinabang tayong lahat dito.

Bukod sa lotto, ito rin ang isa sa malaking naibebentang produkto ng PCSO, sa katunayan, umabot ito sa Php21.9 bilyon mula January hanggang October 2018.

Kaya kamakailan lang ay may 57 ang nahuli dahil sa paggamit ng iligal sa pangalan at logo ng ahensiya sa Quezon City at 40 naman sa Mandaue at Cebu. Kailangan nang tutukan at puksain ang mga gumagamit ng ganitong pagkakamali dahil nananakawan ng kita hindi lang ang PCSO kundi ang mga taong maaaring tulungan ng PCSO pagdating sa kanilang kalusugan at iba pa.

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page