top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kapalit ng ginawa sa TV host… BOY, BINIGYAN NG BONGGANG REGALO SI GRAE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2019
1 min read

PINAGKATUWAAN in a nice way ng mga net­izens ang ipinakitang basketball moves ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang late-night talk show na Tonight with Boy Abunda.

Nagpakitang-gilas si Kuya Boy ng kanyang basketball moves during his interview with Grae Fernandez sa episode ng TWBA last Thursday.

Sa bagong pakulo ng talk show ni Kuya Boy, may ibinigay siyang ‘abundant gift’ kay Grae na nagla­laman ng isang bolang pang-basketball.

Favorite sport kasi ni Grae ang basketball and proud niyang sinabi na he’s above average as a player. Kaya nagpaturo si Kuya Boy kay Grae on what’s the right way to dribble the ball. Matagal na rin daw kasi niyang gustong matutong maglaro nito.

Nakakatuwa ang porma at gala­wan ni Kuya Boy habang pina­panood siya on TV. Tamang-tama naman ang suot niyang terno na long-shirt and shorts with matching rubber shoes. Thanks to his stylist na si Demi na laging may tatak-‘Boy Abunda’ ang ipinasusuot sa King of Talk.

Na-amazed at na-amused ang mga netizens sa gi­nawa at ipinakitang porma ni Kuya Boy sa pagdi-dribble ng bola kaya nakalikha agad sila ng mga memes na mabilis namang nag-viral sa social media.

Sa isang Facebook page ay ikinumpara si Kuya Boy sa basketball legend na si Kareem Abdul-Jabbar. Tinawag naman nila si Kuya Boy as ‘Kareem Abunda-bbar.’

After Dr. J ng NBA na si Julius Erving, tinawag naman nila si Kuya Boy as Dr. E na ang complete name ay Eugenio Romerica Abunda, Jr..

Kyut, ‘di ba?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page