top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ayon sa mga eksperto...SCENTED CANDLES, EPEKTIB NA PANLABAN SA INSOMNIA!

  • Jersy Sanchez
  • Jan 8, 2019
  • 2 min read

USUNG-USO ngayon ang aroma o scented candles da­hil nakatatanggal umano ito ng stress. Pero, knows ba ninyo na bukod sa naka­rerelaks ito ng isipan ay may samu’t saring health benefits din ang maaari nin­yong makuha mula rito? Wow!

Noong unang pana­hon, ang aromatherapy ay paraan ng panggagamot kung saan ginagamit ito upang tumaas ang ener­gy, matanggal ang stress, tumaas ang concentration at pain tolerance ng in­dibidwal.

Ang mga amoy ng essential oil ay kumakalat para ma-stimulate ang senses ng indibidwal. Ang ilang aroma ay ka­yang makapagpababa ng blood pressure.

Ang paggamit ng aro­ma candle ay hindi lang para kumalat ang maba­ngong amoy nito kundi para gumanda rin ang mood ng bawat indibidwal na makaaamoy nito.

Mayroong tatlong sang­kap ang aroma candle at kabilang na rito ang wick, wax at essential oil. Ayon sa mga eksperto, ang magandang uri ng wick ay gawa sa bulak. Ang wax ay mula sa bees­wax, candellia wax at rapessed wax.

Ayon sa mga eksper­to, natural ang pinakama­gandang uri ng essential oil na dapat gamitin sa pag­gawa ng aroma candle.

Ilan sa mga makaku­kuha ng health benefits ng aroma candle ay ang mga may problema sa tiyan, PMS, skin prob­lems, blood sugar fluctua­tions, joint pain at cancer.

Dagdag pa rito, ang nasabing uri ng kandila ay kaya ring magpaganda ng memorya.

Mayroong iba’t ibang uri ng amoy ang aroma candles na tiyak na ba­bagay sa inyong mood at personalidad.

Kung mahilig ka sa outdoor activities, ini­rerekomenda ng mga eksperto ang floral o pine aroma.

Sa mga mahihilig magluto riyan, ang ma­ta­mis o malaprutas na scent ang tiyak na baba­gay sa inyo.

Samantala, narito ang ilang scent na dapat nin­yong gamitin depende sa inyong nararamdaman.

Ang lavender ay may na­ka­rerelaks na amoy na may kakayahang maka­alis ng anxiety, depression at stress, epektibo rin ito na pantanggal ng in­som­nia at sakit ng ulo. Ang amoy ng cinnamon ay na­katutulong sa mga ugat, fatigue at nakata­tanggal din ng pagod.

Samantala, ang amoy ng peppermint ay naka­tatanggal ng muscle pain at problema sa digestive system.

Gayundin, ang payo ng mga eksperto, mas mabuting gumamit ng or­ganic aroma candle dahil tiyak na safe ito mula sa mga kemikal na puwe­deng ma-inhale ng tao rito.

Kaya mga beshy, lalo na sa mga tita riyan, ba­gay sa inyo ito, charot! Pero, kapag may mga na­raramdaman kayo tulad ng stress, anxiety o depres­sion, huwag ninyong kali­li­mu­tang subukan ito.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page