6-TO-8 GOLD, PAKAY NG PHL JINS SA SEA GAMES

NAKAUGALIAN ng mga namumuno sa National Sports Associations na mag-predict sa medalya na pananalunin.
Isa rito sa Philippine Taekwondo Association executive director Sung Chon Hong na nagsabing 6-to-8 gold medals ang kukunin sa 2019 Southeast Asian Games na gagawin sa Nobyembre sa ‘Pinas.
“Modesty aside that is my target and I am pretty optimistic they will do it because they have the skills, battle-tested and well-experienced competed in numerous overseas competitions and trained in Korea under Korean coach,” sabi ni Hong.
Aniya pa, hindi pa nabobokya ang mga Pinoy mula nang unang nilaro ang taekwondo sa SEAG noong 1987 sa Indonesia at hanggang ngayon ay laging nananalo.
Bibigyan din niya ng mahabang exposures sa labas at muling mag-eensayo sa Korea ang Pinoy jins upang mahasa nang husto at lumawak ang karanasan bago sumabak sa SEAG.
Kasama sa medal prospects ay ang mga beterano na sina Fil-Am Samuel Harper Morrison, Brazil Olympian Kirstie Alora, Christopher Uy, Pauline Lopez at ang poomsae team na sina Jerom Dominguez, Rodolfo Reyes Jr., at Justine Mella at ang women’s squad na sina Rina Babanto, Juvenile Faye Crisostomo at Janna Dominque Oliva.
Ang gold medalists noong 1991 ay sina Ramil Abratique, Ulysses Marcelino, Walter Dean Vargas, Ma. Nelia Sy, Bea Lucero, Digne de Leon at Sharon Sowy.





Comments