Presyo ng gas, sisirit na naman


KASADO na ang unang pagsirit sa presyo ng petrolyo ngayong 2019.
Gayunman, hindi pa umano ito ang epekto ng excise tax na nakatakdang ipataw sa mga oil product sa pagsisimula ng taon.
Matatandaang, ayon sa Department of Energy, aabot sa isang buwan ang buffer stock ng mga kumpanya ng langis kaya dapat pagkatapos ng ikalawa hanggang ikaapat na linggo pa ng Enero maipatutupad ang dagdag na excise tax para sa mga aangkating produkto.
Kaugnay nito, inaasahang aabot sa P0.80 hanggang P0.90 ang dagdag sa presyo ng gasolina kada litro, P0.60 hanggang P0.70 naman sa diesel at P0.50 naman sa bawat litro sa kerosene o gaas.
Bukas, inaasahan ang pagpapatupad ng nasabing dagdag-singil.
Kaya nangangahulugan ito na tuloy ang diskarte sa pagba-budget at tuloy ang wais na pagtitipid.
Sanay na tayo na tuwing magtataas ang presyo ng petrolyo, magsusunuran na rin ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Kaya ngayong Bagong Taon, bagong hamon sa gastusin at bagong pag-asa na giginhawa rin ang ating pamumuhay.





Comments