top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pambansang Bae, masyonda na raw... JOSE KAY ALDEN: MAG-ASAWA KA NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 7, 2019
  • 1 min read

SA presscon ng Boy Tokwa, Lodi ng Gapo ay nahingan ang bidang si Jose Manalo ng birthday wish para sa ka-Dabarkads na si Alden Richards.

‘Kaaliw ang sagot at payo ni Jose na mag-asawa na raw ang aktor.

“Brod, tanda mo na, mag-asawa ka na, brod, para nakakalaro mo na ang mga anak mo,” pahayag ni Jose.

Biniro nga namin siya na anak agad, eh, wala pa ngang girlfriend ang aktor?

Pinayuhan din ni Jose si Alden na maghinay-hinay sa trabaho.

“Pahinga lang, brod, magpahinga ka muna nang kaunti. Bigyan mo ng oras ang sarili mo. Hindi komo bata, hindi komo binata, sige nang sige.

“Darating ang time na mapapagod ka, baka mas lalo pang mahirapan ‘yung trabaho mo.

“Konting ingat. Good boy naman ‘yan. Hindi ko na kailangang sabihing ‘Magpakabait ka.’ God bless, Alden,” sabi ni Jose.

Showing na sa Jan. 8 ang Boy Tokwa, Lodi ng Gapo mula sa direksiyon ni Tony Y. Reyes.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page