Ngayong 'malaya' na kay Maine… ALDEN, UMAMING GUSTONG TIKMAN SINA HEART, JENNYLYN AT LOVI
- BULGAR

- Jan 7, 2019
- 2 min read

PINASAYA na naman ni Alden Richards ang entertainment press dahil sa ipinatawag niyang annual thanksgiving party kahapon na ginanap sa kanyang Concha’s Resto sa Quezon City.
Sobrang appreciated ng press people ang kabaitan, sincerity, pagiging generous at magalang ni Alden na kahit nu’ng peak ng kasikatan ng AlDub love team ay hindi talaga nagbago ang pakikitungo sa entertainment media.
Bukod sa more or less P200 thousand cash na ipina-raffle ni Alden, walang umuwing luhaan dahil may cash gift pa siya at giveaways ng mga produktong kanyang ineendorso. Kaya feeling winner na rin kami kahit hindi kami nagwagi sa raffle.
Sa interview after ng party, tinanong namin si Alden na kung siya ang papipiliin, mas gusto ba niyang magkaroon uli ng permanent na ka-love team o paiba-iba na lang ang leading ladies niya depende sa mga projects na kanyang gagawin?
Sagot nito, “Gusto ko po ‘yung paiba-iba, eh. Pero siyempre po, with regards to work, kung ano naman po ‘yung ibigay sa akin, tinatanggap ko lang without question. Kasi ‘di naman po talaga ako choosy sa work.
“‘Yung pros lang ng being in a love team, iba-ibang experience po,” dagdag pa ni Alden.
Nakatrabaho na niya si Primetime Queen Marian Rivera sa seryeng Carmela at sana raw, next time ay makatrabaho rin niya sina Heart Evangelista, Jennylyn Mercado at Lovi Poe.
Tinanong din namin si Alden kung kasama ba sa line-up ng mga gagawin niya ngayong 2019 ang seryeng muli nilang pagtatambalan ni Maine Mendoza na matatandaang naudlot noon.
“Sana po, ma-push through pa rin. Kaso lahat po kasi, planning pa rin, eh. Sana po, makagawa uli kami ni Maine ng soap,” aniya.
Sabi pa ni Alden, siguro naman ay papayag din si Maine na magsama silang muli sa serye dahil magaganda raw ang reviews sa naging acting ng kanyang ka-love team sa MMFF entry na Jack Em Popoy: The PulisCredibles kaya baka maging eager daw ito this time na gumawa uli ng soap opera.
Hindi pa raw napapanood ni Alden ang MMFF movie ni Maine with Coco Martin and Bossing Vic Sotto but hopefully daw, this week ay makahanap na siya ng time at gusto raw niyang isama ang kanyang family sa panonood.
Na-congratulate na rin daw niya si Maine sa box office success ng Jack Em Popoy at natutuwa siya sa suportang ibinigay ng kanilang mga AlDub supporters kahit pa hindi naman siya kasama sa movie.
Last January 2, nag-birthday si Alden (yes, magka-birthday pa kami, ha?!) at 27 yrs. old na siya ngayon.
Pero aminado siyang suwerte pa lang sa career ang dumarating at wala pa siyang love life.
Eh, malay naman natin, soon ay dumating din, devah?!





Comments