Lolo dedbol sa motorsiklo
MASBATE—Isang 62-anyos na lolo ang namatay nang aksidenteng mabangga ng motorsiklong minamaneho ng SK chairman, kamakalawa sa bayan ng Aroroy sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Agustin Minggoy, residente ng Bgy. Nabongsoran sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni SK Chairman Jevel Villanueva, residente ng Bgy. Mataba sa nasabing bayan kaya nabangga nito ang biktima.
Dinala ng mga saksi si Minggoy sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang tumakas na suspek.





Comments