Kelot sinaksak ng ex-soldier
PANGASINAN—Isang lalaki ang sugatan nang saksakin ng dating sundalo, kamakalawa sa Bgy. Tempra-Guilig, San Fabian sa lalawigang ito.
Ang biktima na ginagamot sa ospital ay nakilala lang sa pangalang “Loreto”, samantalang, ang suspek ay si Rufino Caballero, dating sundalo ng Philippine Army (PA).
Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima nang bigla itong lapitan at saksakin ng suspek sa hindi pa malamang dahilan.
Agad namang naaresto ng mga nagrespondeng awtoridad ang suspek.





Comments