top of page
Pokwang.jpg

Huwag puro drawing mga, lodi! TIPS KUNG PAANO MATUTUPAD ANG NEW YEAR’S RESOLUTION

Jersy Sanchez
Jan 7, 2019
2 min read

“NEW Year’s Resolution 2019” — ang sarap sa tainga, ‘di ba? Pero, mas masarap sa feeling kapag nagawa mo ang mga bagay na ‘yun, lodi! Kaya para sa mga beshy natin diyan na nai-stress na sa kaiisip kung paano tutupa­rin ang kanilang New Year’s Re­solution, narito ang ilang tips na siguradong makatutulong sa inyo:

1. SET GOALS. Siyempre, ito ang da­pat na mayroon ka, beshy. Ipinapayo natin ang ‘goals’ na dapat mong isama sa iyong New Year’s Resolution ay ang mga bagay na gusto mo talagang magawa tulad ng regular na pag-eehersisyo, mas kaunting oras sa pagtutok sa social media o kaya ay pag­gising nang maaga para hindi ma-late sa school o trabaho. He-he-he!

2. CHANGE ONE THING AT A TIME. Huwag kang magmadali dahil hindi paunahan ang paggawa ng New Year’s Re­solution, bagkus, bigyan mo ng oras ang iyong sarili para makapag-adjust ka sa mga pagba­bago na nais mong gawin. Okie?

3. BE SPECIFIC. Isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan tayong tuparin ang ating New Year’s Resolution ay dahil sa pa­giging general. Inirerekomenda ng mga eks­perto na maging specific sa pagkakaroon ng goal. Halimbawa, kung ano ang paraan na iyong gagawin para magpapayat tulad ng pagpunta sa gym o kung anong klase ng diet ang iyong susundin. Ganern!

4. TRACK YOUR PROGRESS. Ayon sa pag-aaral, ang pagre-record ng iyong mga na-accomplished ay nakatutulong upang magtagumpay ka sa iyong goal. Upang gawin ito, gumawa lamang ng checklist ng mga bagay na gusto mong magawa sa loob ng isang araw at itsek ito kapag nagawa mo na ang bagay na ‘yun. Hindi mahalaga kung maliit o malaking bagay ang iyong nagawa, ang importante, eh, parte ito ng iyong goal. Copy?

5. TRIAL AND ERROR. Yes, lodi, dahil ang pagtu­pad ng resolution ay hindi basta-bastang nagagawa. Maaari kang sumubok ng iba’t ibang paraan upang ma-achieved mo ang iyong goal. Sa ganito, maaari mong makita kung anong hak­bang ang babagay sa iyong goal at personalidad.

6. EVALUATE. Kahit naiplano mo na kung paano mo tutuparin ang iyong mga goal, beshy, importante pa rin na obserbahan mo kung epektibo ito sa pag-achieve ng mga gusto mo. Dahil dito, tiyak na mamo-monitor mo kung ano ang mga bagay na dapat mong pagtuunan ng pansin.

Ngayong taon, beshy, dapat nating tandaan na ang pagkakaroon ng New Year’s Resolution ay hindi para masabi lang na may bago kang gagawin sa pagpasok ng Bagong Taon, bagkus, ang pagkakaroon at paggawa nito ay para mapabuti ang ating sarili.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page