top of page
Pokwang.jpg

HOROSCOPE | ENERO 7, 2019 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 7, 2019 (Lunes): Kaila­ngan mo ang paminsan-min­sang pagpunta sa mala­layong lugar dahil ito ang sikreto upang ma­nariwa ang iyong kapa­laran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang tumulad sa iba na tina­takot ang sarili sa mga negatibong puwedeng mangyari. Kumilos ka tulad ng dati na nag-u­umapaw ang iyong sigla at sigasig. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-24-29-39-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong ika­lungkot ang kagustuhan mo na hindi natuloy ngayon. Ang hi­git na nakaaalam kung ano ang pinakamabuti sa buhay ng tao ay ang kanyang kapalaran. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-17-20-36-38-41.

GEMINI (May 21- June 20) - Lumalapit sa kapalaran mo ang bituin na nagbi­bigay nang masaganang buhay. Hindi ka iiwanan ng mga ito hanggang sa ikaw na ang magsabi na nakasasawa pala ang masarap na buhay. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-20-24-37-42.

CANCER (June 21- July 22) - Big­lang magaganap sa buhay mo ang sinasabing kumilos na ang gulong ng iyong kapalaran upang alisin ang mga hindi nakatutu­long o pabigat lang sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-14-23-38-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hin­di masama ang tumu­long sa kapwa, pero ang hindi maganda ay ang napababayaan mo ang iyong sariling panga­ngailangan dahil inuuna mo ang iba. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-17-20-29-33-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Palipat-lipat ng tirahan ang naghaha­nap ng suwerte. Kaya mas lalong hindi niya na­kikita ang magagandang kapa­la­ran. Huwag kang ma­tuk­so na tularan ito. Ma­suwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-6-17-25-28-33-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong ipilit na ma­pa­­saiyo ang alam mong hindi mo kaya ang ugali at gawi. Kasala­nan ang nagsusumiksik sa mali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-24-25-30-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pansi­nin ang madi­lim at makapal na ulap sa iyong kapalaran ngayon. Tatangayin ito nang malakas na hangin at ilalayo sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-7-22-28-37-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibinaba­lita ng iyong kapa­laran na napa­karaming pagbabago ang magaganap sa iyong buhay kung saan mas gaganda at lalo ka pang yayaman. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-21-22-28-30-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatu­tuwa ang iyong masasaksihan dahil masasabi mong to­too pala ang kasabihan na ang lumalakad nang ma­tulin ay nadarapa. Ito rin ang magsisilbing-aral ng buhay para sa iyo. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-23-26-41-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi lang natututo ang tao sa sarili ni­yang karanasan. Panoorin mo ang mga kaganapan sa buhay ng malapit sa puso mo at marami kang matu­tutunang mga bagay-ba­gay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-19-27-37-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - May hindi na­kikitang sinag ang guguhit sa iyong ka­palaran. Ang kan­yang pa­ngalan ay ‘sinag ng ma­saganang buhay’. Nga­yon na magsisimula ang pag-unlad mo kung saan hindi mo na ito maaawat. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-17-29-31-33-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page