Feeling lazy kaya mas bet na mag-travel, habambuhay
- ROMA AMOR
- Jan 7, 2019
- 1 min read
Dear Roma,
Ako si Patch, 22 years old. Dalawang taon na ang nakalilipas nang makatapos ako ng pag-aaral. Nagkatrabaho na ako, pero nag-resign din ako. Sa ngayon, gusto ko na lang mag-travel, sa tingin ninyo, tama ba ang gagawin ko? — Patch
Patch,
Sa totoo lang, iha, walang masama sa pagta-travel lalo na kung may pera ka para rito, pero kung isa-sacrifice mo ang iyong kinabukasan para rito, mainam kung pag-iisipan mo pa ito nang mabuti, gayundin humingi ka ng payo sa iyong mga magulang. Gayunman, kung suwerte ka naman sa buhay at may kaya ang inyong pamilya, walang masama dahil choice mo ‘yan. Basta palagi mo lang iisipin na ang pinakaimportante sa lahat ay maging masaya ka sa ginagawa mo. ‘Ika nga, “live your life to the fullest”.





Comments