top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

THAI EXPERT AT CHINESE SANDA TAMPOK SA ONE: CLASH OF LEGENDS

Alvin Olivar / MC
Jan 6, 2019
1 min read

MULING lalarga ang ONE Championship main event na ONE: Clash of Legends sa Sabado, Pebrero 16 sa Impact Arena sa Bangkok.

Makasasagupa ni Thai martial arts legend Nong-O Gaiyanghadao si Han Zi Hao ng China para sa inaugural ONE Super Series Muay Thai Bantamweight World Championship.

Kinikilala na isa sa pina­kapetmalu na strikers sa lahat ng panahon bihasa si Nong-O sa Muay Thai. Una siyang sumabak sa pamosong Raja­damnern Stadium noong tee­nager pa siya at nagwagi. Ka­hanga-hanga ang tagumpay niya rito.

Nasundan ng may 300 professional na laban at sa panahon na iyan, naangkin niya ang dalawang Thailand National Muay Thai Championships, apat na Lumpinee Stadium Muay Thai World Championships sa iba’t ibang dibisyon at Raja­dam­nern Stadium Muay Thai World Championship. Sa ngayon, nais ni Nong-O na patatagin ang puwesto bilang world’s best strikes sa ONE Super Series sa tangka niyang pagwagian ang pina­kamagiting na gantimpala sa martial arts – ang ONE World title.

Sa kabila ng pagiging 23-anyos pa lamang, nagpupur­sige na siya sa martial arts ng isang dekada.

Nagsimulang mag-training ang Chinese athlete sa Sanda sa edad na 12 at lumipat sa Bangkok para magsanay ng Muay Thai. Sampung taon siyang nanirahan sa Thai capital.

Noong Pebrero 2018, umiskor si Han ng pinaka­malaki niyang panalo nang talunin si Petchboonchu FA Group. Isa na siya ngayong breakout star sa ONE Super Series. Hawak ni Han ang three-bout win streak at pakay pang palawigin para sa gold sa ONE Clash of Legends.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page