Aktres, kalat nang nagtatago sa Germany… MANAGER NI JULIA, NAGSALITA NA SA PAGBUBUNTIS


NAGSALITA na ang manager ni Julia Montes sa kumalat na balita kamakailan na buntis daw ang Kapamilya actress at nagtatago abroad kaya no show sa ilang recent events ng ABS-CBN tulad ng Christmas special at special screening ng advocacy film na ginawa nito.
Although kinumpirma ni Erickson Raymundo ng Cornerstone Management na nasa Germany nga ngayon si Julia, nandu’n daw ang aktres para magbakasyon kasama ang kanyang daddy at hindi para magtago dahil on the family way ito.
“She’s in Germany with her dad... She heard about [the rumor] and we called her... pero hindi talaga totoo,” ayon sa pahayag ni Erickson sa text.
Nakakalokah! Hanggang ngayon nga, wala namang inaaming boyfriend si Julia kahit matagal na siyang nali-link kay Coco Martin, bakit ngayon pa lulutang ang isyung buntis siya?





Comments