Tulak todas sa drug-bust
MISAMIS ORIENTAL—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Lourdes, Alubijid sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Buenaventura Raperta, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Raperta sa drug-bust operation, pero bigla umanong pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito, napilitan ang pulisya na gumanti ng putok na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments