Oks lang sa commercial, pero… BONG, BAWAL PANG MAG-GUEST SA TV


TAPOS na ang Pasko at Bagong Taon. Masaya na ang mga pamilyang nagkasama-sama noong Kapaskuhan. Pero nang mapanood namin ang paid ads sa TV ng pamilya ni Bong Revilla, Jr. ay may kakaibang kurot kaming naramdaman.
Bale ba’y may background music pang I’ll Be Home for Christmas. Ipinakita sa nasabing TV ads kung gaano kasaya si Bong na kasama ang mga anak at ang kanyang butihing maybahay na si Bacoor Mayor Lani Mercado.
Apat na Paskong hindi nakauwi sa kanilang sariling bahay si Bong kaya best Christmas niyang maituturing nang siya ay mapawalang-sala at nakalabas sa PNP Custodial Center sa Crame. Hindi pa puwedeng mag-guest sa TV shows si Bong kaya okay na ang may TV ads siya.





Comments