Negosyante tepok sa 2 armado
Pabs Hernandez III
Jan 5, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang negosyante ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi kilalang salarin, kamakalawa sa Bgy. Malimba, Gapan City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Christopher Manuzon, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, natutulog sa loob ng kanyang tindahan si Manuzon nang pagbabarilin ito ng dalawang suspek.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments