MANUEL NG GINS, NAGRETIRO

NAGRETIRO na sa paglalaro sa PBA si Jett Manuel ng Barangay Ginebra matapos lamang ng isang taon sa liga. Ito ay kinumpirma ni Ginebra coach Tim Cone matapos ng kanilang ensayo kahapon.
Pormal na nagpaalam si Manuel kay Cone kahapon sa ensayo ng Gin Kings matapos siyang mapili ng koponan sa PBA Draft noong 2017. Bago maglaro sa Ginebra, nagpakitang gilas si Manuel sa University of the Philippines sa UAAP kung saan nakapagtapos din siya ng pag-aaral sa naturang unibersidad sa kursong Civil Engineering. Nakapasa rin si Manuel sa Civil Engineering board exam.
Napili si Manuel sa pang-12 at huli sa first round ng 2017 PBA draft. Naglaro lamang ng 21 beses si Manuel sa 2017-2018 PBA season kung saan nag-average lamang siya ng 1.0 points, 0.5 rebounds, 0.4 assists, at 0.1 steals.
Sa iba pang balita sa PBA, nakapirma na ng tatlong taong kontrata si Matthew Wright sa Phoenix. Nakapirma rin para sa Fuel Masters ang mga rookies na sina Jorey Napoles at Ron Dennison.





Comments