Kelot nalunod sa ilog
ABRA—Isang lalaki ang namatay nang malunod habang naliligo, kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Kili, Tubo sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Clinton Alisbag-Blas, nakatira sa Bgy. Banat, Manabo sa nasabing lalawigan.
Nabatid na habang naliligo si Blas, kasama ang kanyang mga kamag-anak ay napagawi ito sa malalim na bahagi ng ilog kaya nalunod ang biktima.
Agad sumaklolo ang mga kamag-anak ni Blas at dinala ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments