top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Iibig pa ba ako? Ni: Joboy

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 5, 2019
1 min read

Unang tagpo, simpleng pag­-hanga ang nararam­daman.

Ito ay dahil sa iyong pan-labas na kagandahan at alindog mo na kamangha-mangha.

Masaya kang kausap, masaya pang kasama

kaya mas napalapit at pagsasama’y may ligaya.

Ngunit, naramdaman na lang bigla ang puso kong pangalan mo ay isinisigaw.

Mga sumunod na tagpo, ang tibok ng aking puso

pabilis nang pabilis, tila napalulukso, pero pilit itinatago upang manatili ang ating pagkakaibigan.

Natakot, nalumbay at na­-duwag dahil baka ma­una­-han ako sa karerang ito.

Nagpasya akong umamin na at lubusang sabihin sa iyo ang tunay kong nadarama.

Gusto kita! Gusto kita!

Ikaw lang, wala nang iba!

Ito ang palagi kong sambit kahit saan ako magpunta.

Kaya ang dalangin ko ay sana maniwala ka.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page