top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Dehins mo na kailangang gumastos ng malaki para makiuso, lodi! PATOK NA STYLES NGAYONG 2019

Jaxx
Jan 5, 2019
2 min read

HABANG busy ang lahat sa pag-iisip at paggawa ng kani-kanyang New Year’s Resolu­tions, narito ang ilang “fashion trends” na aabangan ngayong 2019. Keri natin ma­kiuso rito, beshy, “into fashion” man tayo o dehins!

Siyempre, kasabay ng pagtatapos ng 2018, kabi-kabila na ang trending “fash­ion” ngayong 2019 kaya alamin ang ilang ideya para sa mga mauusong “style” this year:

1. OVERSIZED HATS. Umpisa ng taon, summer feels kaagad, pero panalo talaga ito lalo na kung pang-instagram-worthy post, kaya kung trip natin maging in this 2019, try natin ito sa summer, beshie!

2. SENSIBLE SHORTS. Well, hindi nalalaos ang shorts, pero tuwing nagpapalit ng taon, eh, nababago naman ang trend ng style. Keri ito, lalo na kung nasa bahay lang tayo at biglang may magyayaya sa mall o kahit saan. Go na tayo rito, besh, komportable na, in pa!

3. TIE-DYE. Nauso na raw ito noong 60’s, pero alam nating naibabalik naman ta­laga ang mga nag-trend noon bilang latest style ngayon, ini-improve lang ito kaya benta pa rin sa netizens. Cool nga naman so, bakit hin­di maging trend ulit, ‘di ba?

4. FRINGING. Ito raw ay western-ins­pired trend. Sa totoo lang, puwede rin itong DIY (do it yourself) sa ilang damit natin kaya hindi na kailangan pang gumastos ulit, maging creative na lang tayo kung gusto talaga na­ting makiuso.

5. NEON. Anytime, lalo na sa parties, winner daw ang neon. Super mapapansin talaga tayo siyempre, kulay pa lang. He-he-he! Well, sa fashion industry, eh, trend daw ito kaya tingnan natin kung bagay din sa atin, go!

6. SEQUINS. Ngayong 2019, hot pa rin daw ito, kaya siguradong madalas nating makikita sa kabi-kabilang okasyon ang style na ito. So, kung trip natin kuminang-kinang, makiuso na rin tayo.

Sa totoo lang, anumang estilo ng damit ang suotin natin, uso man ito o hindi, dapat palagi nating iisipin kung komportable ba tayong suotin ito, awat na muna sa mga “tiis-ganda” kung awkward para sa‘yo eh, huwag na nating ipilit mas okay pa rin ‘yung simple, at least, kaya nating dalhin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page