Todo-lambingan, ka-bonding pa ang padir ng aktor… BEA AT GERALD, LANTARAN NA SA JAPAN
- BULGAR

- Jan 4, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

Photo: Instagram @bearald
KUNG dati ay todo-tago ang couple na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa huli nilang trip sa Hong Kong, masaya nilang ibinahagi ngayon sa kanilang mga fans sa Instagram ang holiday vacation trip nila sa Japan kung saan ay nilibot nila ang mga famous landmarks ng Osaka at Kyoto.
Makikita sa mga litrato na sweet na sweet na ulit ang dalawa sa isa’t isa at nakasuot pa sila ng couple leather jacket.
Kasama rin nila sa kanilang bakasyon ang ama ni Gerald.
Sa kabila ng pagiging tahimik ng relasyon ng dalawa, inamin naman ni Bea sa ilang interviews at sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice na binigyan niya ng second chance ang aktor at sinabing ‘worth it’ ito.





Comments