top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

NU WOMEN’S VOLLEY TEAM, KUMUHA NG NEW MENTOR

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2019
1 min read

ILANG linggo bago magbukas ang susunod na volleyball season ng UAAP, nagpalit ng head coach para sa kanilang women’svolleyball team ang National University.

Bunga ng kabiguan ng Lady Bulldogs sa kanilang target noong nakaraang Season 80 na makaabot man lamang ng finals, kumuha ng bagong mentor ang NU upang gabayan ang koponan ngayong Season 81 na pormal na uumpisahan sa susunod na buwan.

Sang-ayon sa ilang insiders, kinuha ngNU para maging bagong women’s volleyball coach si Norman Miguel, ang head coachng De La Salle University Green Spikers noong 2018.

Si Miguel ay magsisilbing panglimang coach na ng Lady Bulldogs.

Siya ang pumalit sa dating coach na si Babes Castillo na sinibak na rin bilang coach ng NU girls volleyball squad.

Nakapagtala si Miguel ng rekord na5-9, panalo-talo sa nakaraang taong paggabay niya sa DLSU.

Sa ilalim ni Castillo noong isang taon, pagkaraang magtala ng kanilang best start naNi: Ding Taboy6-1 (panalo-talo) sa firstround, kabaligtaran angnaging performance nila sa second round.

Suwerte na umabot pa rin silasa semis bilang no.4 seed. Bukod sa naitalang disaster na performance, naging magulo rin ang pagpapatakbo ni Castillo sa team at sa katunayan, tinanggal niya ng walang sapat na dahilan ang mga beteranong players na sina Jasmine Nabor at Jorelle Singh. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page