top of page

Bird Box Challenge, delikado!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 4, 2019
  • 1 min read

ICE Bucket Challenge, In My Feelings Challenge at ngayon Bird Box Challenge.

Kumakalat sa social media ang nasabing hamon kung saan nagba-blindfold ang netizen saka ginagawa ang pang araw-araw na gawain tulad nang sa pelikulang Bird Box.

Sa nasabing movie, kailangang nakapiring ang mga karakter na nakasakay sa bangka at habang nasa kagubatan para proteksiyunan ang kanilang sarili laban sa supernatural entities na kapag nakita nila ay kanilang ikamamatay.

Bagama’t, kuwela sa unang tingin, hindi mo maiiwasang mag-alala na mapahamak ang gumagawa ng challenge.

May mga viral video na ang mga gumagawa ng challenge ay nakapiring habang nasa loob o labas ng bahay.

Mayroong habang umaakyat ng hagdan, naka-hoverboard, tumatawid sa kalsada, namamasyal sa mall at kung saan-saang pang lugar na hindi lang nakaaabala, delikado pa.

Kaya nagpalabas na ng babala sa publiko na huwag nang gawin ang Bird Box Challenge na maaaring makasakit sa kanila at maging sa ibang tao.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page