top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Aktres, kahit mister na si Aljur… RURU, MAS GUSTO PA RIN NG FANS PARA KAY KYLIE

  • Nitz Miralles
  • Jan 4, 2019
  • 1 min read

PAREHO ng experience ang mag-amang Robin Padilla at Kylie Padilla, na-stranded sila sa mga lugar na kanilang pinagbakasyunan.

Magkaiba lang ang pagka-strandedng mag-ama.

Sina Robin, Mariel at anak na si Isabella ay na-stranded sa loob ng eroplano sa flight nila pabalik ng Maynila mula sa bakasyon sa Boracay.

Kinunan ng video ni Robin habang nasa loob sila ng eroplano at nag-viral ang video na ‘yun.

Si Kylie, nakansela ang flight pabalik ng Maynila mula sa bakasyon niya sa Batanes at post nito, “All smiles kahit cancelled ang flights.

Batanes is a beautiful place to get stranded on.

But hey, Lord please uwi na ako.

Miss ko na pamilya ko. ”By now, nakabalik na pareho sa Maynila si Robin and his family at pati na si Kylie at back to work na sila.

Si Kylie, baka nag-resume na ng taping ng political rom-com series ng GMA-7 na TODA One I Love na muli nilang pinagtatambalan ni Ruru Madrid. Matagal hinintay ng mga shippers nina Ruru atKylie ang project na ito, kaya excited sila.

‘Katuwa nga na nag-thank you ang mga fans nina Kylie at Ruru kay Aljur Abrenica sa pagpayag na magtambal ang asawa at ang Kapuso actor kahit alam na may mga kinikilig pa ring shippers ng dalawa kahit kasal na sina Kylie at Aljur.

Sa February ang pilot ng TODA One I Love sa direction nina Jeffrey Hidalgo at Nick Olanka. In time ang airing ng show sa campaign period para sa 2019 midterm elections.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page