top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Todo-deny na BF na ang guwapong ka-love team, pero… EDWARD, TANGGAP NA NG PAMILYA NI MAYMAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2019
  • 2 min read

Panauhin ng King of Talk na si Boy Abunda ang isa sa most promising love teams ng taon, sina Maymay Entrata at Edward Barber last Tuesday (Jan. 1) sa Tonight with Boy Abunda.

Muling pinakilig ng MayWard ang kanilang mga fans nang aminin nilang nasa estado na ng pa­­­giging “soulmates” ang kani­lang relasyon.

Lalong tumindi ang kilig ng kanilang mga fans nang sabihin ni Maymay na boto ang lola niya kay Edward kung sakaling magi­ging boyfriend niya ito.

Ikinuwento ni Maymay na dumating sa punto ng kanyang buhay noon na nasuway niya ang lola niya dahil sa love.

“High school pa lang, sina­sabi niya sa akin, ‘Kapag may crush ka or may manliligaw, sa­bihin mo, ha, ako ang maghu­hus­ga.’ Sinu­sunod ko hanggang sa punto na ‘yung first love ko, nasuway ko ‘yung lola ko...”

Dahil daw sa pangyayaring ‘yun, na-realize ni Maymay na, “Kapag hindi mo pala sinunod ‘yung payo ng parents mo, darating sa punto na ikaw talaga makaka-realize na ‘Sana, nakinig na lang ako.’”

Sa minsang pagdalaw ni Edward sa bahay nina Maymay, nakita daw ng kanyang lola ang closeness nilang dalawa, at ayon kay Maymay, “Si Dodong (Edward) talaga, lumapit sa lola ko...”

Sinabi raw ni Edward sa lola niya na, “I care a lot about Maymay, and she started crying, teary-eyes.”

Payo ng lola ni Maymay sa kanilang dalawa, “‘Wag kayong magmadali.”

Dagdag pa niya, “Kung sakali raw aa­bot kami sa punto (na magiging kami na), ‘yung blessing daw nila ni Papa Jo (lolo ni Maymay na pumanaw na), ibibigay niya raw ‘yun…”

Isang emotional moment daw ito hindi lang para sa lola ni Maymay, kundi para sa MayWard na rin.

Kuwento ni Maymay, “First time po ‘yun (magsabi ng ganu’n ang lola ko), iyak kami nang iyak nu’n…”

Ilang ulit na iginiit ni Kuya Boy kung sila na nga ba ni Edward? Matindi naman ang pagtanggi ni Maymay na mag-bf-gf sila ng co-PBB Teen house­mate at hanggang “soulmates” pa lang daw sila ni Edward.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page