Target na P1 bilyon sa MMFF movie niya, 'di nakuha… VICE, 'DI UMUBRA, TAOB SA BOX OFFICE REC
- BULGAR

- Jan 3, 2019
- 2 min read

WE wonder kung magri-release ang MMFF ng official box office result ng mga pelikulang kasali. As of now, ‘yung top three films lang ang naka-announce but with no corresponding numbers ng kinita sa takilya.
But now na patapos na ang official run sa mga sinehan ng MMFF, curious kaming malaman kung naabot ba ang target nila na P1 billion sa takilya.
Someone asked us kung kumita ng P1 B sa takilya ang pelikula ni Vice Ganda na Fantastica. May sinabi raw kasi si Vice na aabot ng P1 B ang kikitain ng movie niya. Kasi kung hindi, ang movie pa rin ng Star Magic artists na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang may hawak ng record bilang Highest Box Office Record for 2018.
Anyway, ‘di nakasama sina Daniel at Kathryn sa annual charity gift-giving event nila na Star Magic Gives Back last December 1. Apat na institutions ang napili ng Star Magic para personal na dalawin ng kanilang mga artists this year upang mag-share ng kanilang time, talent, laughter and gifts.
Ang apat na chosen institutions ay ang Good Samaritan Home for the Elderly sa Marikina, ang Craniofacial Foundation of the Philippines in Manila, Sta. Maria de Mattias sa Marikina at ang Bantay Bata Children’s Village sa Bulacan.
Ilan sa mga Star Magic artists ang nagbigay-saya sa mata ng mga bata sa Bantay Bata Children’s Village at kabilang dito sina Piolo Pascual, Edward Barber, Maymay Entrata, Eric Nicolas, Enzo Pineda at Sharlene San Pedro.
Magkakasama naman sina Maja Salvador, Gerald Anderson, AC Bonifacio, Joi and Jai Agpangan, Lala Vinzon at iba pa na nagpasaya sa taga-Good Samaritan Home for the Elderly.
Nagpa-games din sina Sue Ramirez, Nash Aguas, Jairus Aquino, Kitkat, Jenny Miller, Xia Vigor, Lance Lucido, Hannah Vito, Myel de Leon, Uno Bibo, Andrez del Rosario and Erika Clemente sa Sta. Maria de Mattias kids.





Comments