Nakipagkita kay Arjo pero… MAINE, UMAMING SI ALDEN ANG BINIGYAN NG REGALO NU'NG PASKO


Ayon kay Maine Mendoza, wala namang exchange gifts na naganap sa kanila ni Arjo Atayde nitong nakaraang Kapaskuhan.
“Grabe, wala namang pa-exchange gift, wala namang pa-ganu’n!” ang sagot ni Maine sa interbyu ni MJ Marfori ng TV5.
Sundot ni MJ, “Ano lang, presence lang, ganyan?”
Sagot ni Maine, “Puwede na rin,” sabay tawa.
Pero sila raw ng ka-love team na si Alden Richards ay may exchange gift.
“Sa mga Dabarkads (ng Eat… Bulaga!), nagbibigayan kami ng gifts sa lahat, kasama na kami ni Alden du’n,” sey niya.
Nang kumustahin naman ang Pasko niya at kung hindi ba ito malamig, aniya, “Masarap, masaya ang Pasko with family and friends, of course.”
When asked kung ano ang dapat abangan sa kanya for 2019, aniya ay may album siyang ilo-launch kung saan ay may mga isinulat daw siyang kanta.
“Sinusubukan ko na marami akong masulat, pero definitely, hindi naman lahat, compositions ko. Pero gusto ko, ‘yung first single na iri-release, ako sana ‘yung may sulat,” aniya.
Anim na kanta ang balak niyang isulat at sana raw ay magawa niya.
When asked kung saan siya humuhugot ng mga ginawa niyang kanta, sey niya, “Wala, sa mga experiences in life, sa mga imagination.”
Sa love life?
“Sa love life? Puwede rin,” nakatawa niyang sagot.





Comments