Nagtangkang mang-rape tiklo
LA UNION—Isang lalaking nagtangkang manggahasa sa dalagita ang dinakip ng pulisya, kamakalawa sa bayan ng Bacnotan sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Rudy Dacumos, residente ng Bgy. Poblacion, San Gabriel sa nasabing lalawigan.
Ayon sa biktimang itinago sa pangalang “Liza”, 17-anyos, nanlaban umano ito nang tangkaing gahasain ni Dacumos sa kanilang lugar sa Bgy. Bulala sa naturang bayan at dahil dito ay nakahingi siya ng saklolo sa pulisya kaya nadakip ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong attempted rape at child abuse.





Comments