top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAGING MALIGAYA KAHIT HINDI PAKASALAN NG KINAKASAMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Naisipan kong su­mangguni sa inyo, Maes­tro, upang itanong kung may pag-asa pa bang paka­salan ako ng kinakasama kong lalaki na isinilang noong November 17, 1982 at July 7, 1984 naman ang birthday ko?

  2. Sa ngayon ay mala­bo nang maikasal kami dahil tatlo na ang anak namin, pero nangangarap pa rin ako dahil hindi na­man masamang manga­rap.

  3. Kaya lang tuwing sasabihin ko sa ka-live-in ko ang tungkol sa gusto kong kasal, ang palagi niyang katuwiran ay hin­di mahalaga ang kasal, kapag nagpakasal daw kami ay gagastos pa kami ng malaking halaga, pag­katapos ay magkakahi­walay lang din daw kami. Sayang lang ang pera, kaya mas mabuti pang magsama na lang kami nang hindi kasal.

  4. Sa ngayon ay okay ang pagsasama namin, maligaya ako sa piling niya dahil mabait, masi­kap sa buhay at mauna­wa­in siya, gayundin bilang ama sa aming mga anak.

  5. Ang gusto kong malaman ay kung may tsansa ba na magbago pa ang katuwiran ng ka-live-in ko at balang-araw ay yayayain din niya ako ng ka­sal na sobrang kinasa­sa­bikan at ikatutuwa ko talaga.

KASAGUTAN

  1. Sadyang may kani-kanyang pag-iisip at katu­wiran ang bawat tao, siyem­pre iba-iba rin ang pa­nanaw nila sa buhay, ka­hit na sa mga sensiti­bong bagay, higit lalo kapag tungkol sa pa­milya at pagpapakasal.

  2. Kung ang katu­wiran ng kinakasama mo ay “hindi mahalaga ang kasal sa kanya”, wala kang magagawa dahil pinakisamahan at minahal mo na siya ng ganyan siya at hindi naging hadlang ‘yun upang mag­sama kayo bilang mag-asawa, magkaanak ng tatlo at magkaroon ng ma­sasabi nating masaya at okay sa alright na pamilya, kasal man o hindi ang mag-asawa.

  3. Samantala, sa kabila ng lahat, may dapat kang ipag­pasalamat at ikatuwa dahil tulad ng nangyayari sa kasa­lu­kuyan, ang matino, magan­da, payapa at maayos na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) at ma­gan­dang Heart Line (Dra­wing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nanaig kung saan ito rin ang nag­sasabing, ika­sal man kayo o hindi, tulad ng nabanggit na, magpapa­tuloy pa rin ang ma­ligaya at panghabam­buhay ninyong pagsa­sama.

MGA DAPAT GA­WIN

  1. Kaya, Maritess, alukin ka man o hindi ng kasal ng kinaka­sama mong lalaki sa kasalukuyan, okay lang ‘yun dahil ayon sa iyong mga datos, isa lang ang tiyak, ka­sal man kayo o hindi ng la­laking kinakasa­ma mo, kung patuloy naman kayong mag­titiwala sa isa’t isa at nagma­mahalan — ang pag-iibigang ito ay higit na mas magiging mabisang garantiya ng isang maligaya at panghabam­bu­hay na pamilya.

  2. Tunay ngang higit kang mapalad dahil kahit hin­di ka pinakasalan ng lalaking ki­nakasama mo ngayon, hindi ka naman niya iniiwan, hindi tulad ng ibang lalaki r’yan, pi­­nakasalan nga ang kanilang misis, pero nambabae at na­ki­paghiwalay din naman.

  3. Kaya tulad ng nasabi na, ayon sa iyong mga datos, tiyak na ang magaganap, wa­lang duda, kasal man kayo o hindi, sigurado na ang naka­takda sa iyong kapalaran ang isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na pa­milya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page