top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kasamang nagbakasyon sa Japan… KRIS, MAY KONDISYON BAGO BUMIGAY SA BATAMBATANG ABOGADO

Nitz Miralles
Jan 3, 2019
1 min read

Ngayong Huwebes na ang balik ni Kris Aquino mula sa bakasyon sa Tokyo, Japan. Hindi nakasabay si Kris sa pag-uwi nina Josh at Bimby dahil pinalipas muna niya ang pag-atake ng kanyang urticaria. Sinamahan si Kris sa Tokyo ni Atty. Gideon Peña na pinasalamatan niya sa pagiging totoong kaibigan.

Paulit-ulit nang sinabi nina Kris at Atty. Gideon na friendship lang ang namamagitan sa kanila, kaya lang, hindi pa rin mapigil ang kanilang mga shippers sa pagwi-wish na mauwi sa relasyon ang friendship nila. Nagbiro na nga si Kris na may chance sana sila ni Atty. Gideon kung doctor ito, mas okay kung neurologist o rheumatologist dahil maaalagaan siya.

Samantala, sa January 5, may pa-block screening si Kris para sa MMFF entries na One Great Love at Rainbow’s Sunset. Magkasu­nod ang screening ng two movies at gagawin ito ni Kris para kay Kim Chiu na bida sa One Great Love at Harlene Bautista na producer ng Rainbow’s Sunset. May mga ini­mbita si Kris, abangan natin kung sino sila at kung sino ang darating.

Still on Kris, sa Jan. 4, back to work siya at nabanggit ang commitment sa iFlix. “Let’s pray for my health, let me fulfill my commitments with @iflix, and maybe not free tv-but somewhere daily SOON. My prayers be aligned with God’s plans for me.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page