UP VOLLEYBALL SQUAD 2019 FAVORITE CONTENDER


DAHIL sa naging impresibo nilang performance sa pre-season, mas tumaas ang ekspektasyon sa University of the Philippines women’s volleyball team sa darating na UAAP Season 81 volleyball tournament na magbubukas sa susunod na buwan. Kaakibat ng nasabing ekspektasyon ayon na rin sa pag-amin ni Lady Maroons Kenyan coach Godfrey Okumu ang matinding pressure.
Dalawang pre-season tournaments ang napanalunan ng Lady Maroons na naging dahilan upang itanghal silang isa sa mga paborito at contender para sa titulong hawak ng De La Salle sa darating na UAAP.
“It means a lot of pressure. For the players and for me. That’s what it means,” wika ng second year mentor matapos gapiin ng Lady Maroons ang University of Sto. Tomas sa nakaraang Philippine Superliga Collegiate Grand Slam.
Nauna rito, ginapi ng Lady Maroons noong nakaraang Setyembre ang Far Eastern University sa Premier Volleyball League Collegiate Conference Finals para sa una nilang titulo mula noong 1982 sa UAAP.
“I’ve tried all my players in these preseason games. I’ve played almost 28, at least 25 or 26 players. I’ve been able to recycle them in all the tournaments we’ve played,” ani Okumu na problemado naman sa gagawing pagpili ng kanyang magiging final line up para sa UAAP. (VA)





Comments