top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sa tuwina

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 2, 2019
1 min read

Sa tuwina ika’y naalala,

kahit saan magpunta, ikaw lang ang nakikita.

Hindi mawawala kahit na ano ang maging problema,

nakatatak sa aking puso dahil mahal kita.

Sa tuwina o aking sinta,

wala akong magawa kundi ang mahalin ka.

Gayunman, ikaw ang aking prinsesa at sa

kaharian ko ay magiging masaya.

Sa tuwina hindi natin magiging problema,

ang pagkain, libangan at maging ang susuotin.

Basta tayo ay magkasama at nahahagkan kita

nandito lang ako, hindi na mawawalay pa.

Sa tuwina, ako ay naghihintay na balang-araw

ika’y mapakasalan.

Kasamang tumanda at kumain ng umagahan

maging sa tanghalian, gayundin sa hapunan.

Ilang taon pa ba ang aking hihintayin na ikaw ay

tuluyan ng magiging sa akin?

Sana, hindi na ako maghintay nang matagal

dahil sabik na ako sa iyong tunay at wagas na pagmamahal.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page