top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pahiwatig na magkakaroon ng karamdaman mula sa insekto

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 2, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Jenie ng Ma­­silungan_Laude@ facebook.com.

Dear Professor ,

Ano ang kahulugan ng panaginip ko na may alupihan na inihagis sa akin, tapos sa katawan ko napunta?

Naghihintay,

Jenie

Sa iyo Jenie,

Nagbababala ang iyong panaginip na mag­kaka­roon ka ng karamda­man mula sa insekto, kaya mag-iingat ka.

Para sa iyong kaala­man, narito ang ilang ba­gay na may kaugnayan sa pagkakasakit ng tao:

1. Likas na mahina ang katawan kaya ang sakit ay mas madalas niyang ma­ra­­nasan.

2. Ang pilay, sugat at iba pang karamdaman sa katawan ay mga sakit din.

3. Kumbaga, hindi lang mga mikrobyo ang sanhi ng pagkakaroon ng ka­ramdaman.

4. Ang nakakain o nakainom ng hindi dapat kainin o inumin ay sanhi rin ng karamdaman.

5. Ang nakalanghap ng mikrobyo ay pinag­mumulan ng karamdaman.

Dito sa huli, ang ta­wag ay “air-born di­seases” at para sa iyong panagi­nip, ito mismo ang ibina­babala sa iyo. Kaya mas mabuting gawin mo ang mga sumusunod:

a. Lumayo ka sa ma­raming tao, lalo na nga­yong ang panahon ay ma­lamig at umiinit dahil nakapanghihina ito ng re­sistensiya.

b. Lumayo ka sa mga may sipon, ubo at may sakit sa bahagi ng kata­wan na may kaugnayan sa respiratory system.

c. Ang iba pang pinag­mumulan ng karamdaman ay hindi na makaaapekto sa iyo dahil ang “iniha­gis” ay nakitang “air type”, kumbaga, hangin ang paraan na ginamit dito.

d. Kaya, ikaw ay pi­napayuhan na magpala­kas ng katawan at kumain ka ng masusustansiyang pagkain. Gayundin, pag­ka­tiwalaan mo ang iyong doktor sa iniresta niyang supplements na nababa­gay sa iyo.

e. Pero, ang pagkain ng junk foods ay huwag mo nang ikonsulta pa da­hil alam mo na hindi healthy ang mga ito.

f. Iwasan mo rin ang pagpupuyat, alam mo na­man siguro kung bakit ma­sama ang pagpupuyat.

g. Higit sa lahat, dahil air-born ang ginamit na­ting salita, kung puwede sana ay huwag mong da­lasang ibukas ang iyong bibig kaya limitahan mo ang pakikipagkuwen­tu­han at pakikipagtsis­mi­san. Ang nakikinig sa ba­bala ay napabubuti at hin­di napasasama.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page