OBRA MAESTRA, WAGI SA 2018 PHILRACOM JUVENILE

ITINANGHAL na kampeon ang Obra Maestra ni Sandy Javier Jr. sa katatapos na 2018 Philracom Junenile Championship, makaraang pangunahan nito ang karerang ginanap sa Santa Ana Park sa Naic,Cavite nitong nakaraang Lunes.
Binigo ng Obra Maestra, ang pagtatangka ni Lady Mischief matapos kunin nito ang bandera sa umpisa ng karera sa 1,600 meters. Maganda ang labanan habang paparating ang ibang katunggali na sina Full of Grace, My Jopay ay Obra Maestra na umalis na pangpito sa mga kalahok mula sa nauunang si Lady Mischief.
Pagdating sa huling 600 meters naagaw na mula kay Lady Mischief ang unahan ni Obra Maestra hanggang dumating sa finish line na nilagpasan ng may anim na kabayo ang layo sa mga kalaban.
Dumating na pangalawa ang Full of Grace, pangatlo ang My Jopay at pumang-apat si Lady Mischief. Nag-uwi ng P1.5-milyon at trophy bilang kampeon sa nasabing pakarera ng Philracom ang alaga ni Mayor Javier na ang Obra Maestra.
Nag-uwi ng P562,500, ang pumangalawang Full of Grace, at tumanggap ng P312,000 pangatlong si My Jopay at P125,000 ang pang-apat na si Lady Mischief. Ang Obra Maestra ni boss Sandy ang panibagong pag-uusapan sa industriya ng karera sa bansa na inihahanda sa Triple Crown Championship sa Marso, 2019.
Samantala, mag-uumpisa ngayon ang unang karera ng taon 2019 sa Metro Turf sa Malvar, Batangas na paglalabanan ng mga kalahok mula sa 9 na karera.
Sa Race 1 pinapaboran ang Tequila Princess, Flintride, Karangalan at Humble Pride na agad susundan sa Race 2 at pinapatok ang kabayong Princess Eowyn. Hindi naman padadaig ang Jun Tailor sa Race 3 laban sa couple entry no.1 habang sa Race 4, ang Ava Natalia,ICON at Dinalupihan ang maglalaban sa nasabing karera.
Pagpipilian sa Race 5, ang mga kalahok na Magat Salamat, Entry No.10 at Azarenka. Sa Race 6,napipisil si Daginding at Gee’s Star ang napupusuan kong tayaan ang Lundagin mo Baby at Can you Give sa Race 7. Ipinapatok sa Race 8 ang kabayong Garantisado at WooLooMooLoo sa Race 9.
Race 1- Tequila Princess(7), Fight for Love Race 2- Princess EoWyn (2) entry N0.4 Race 3- Jun Tailor (10) Entry No.1 Race 4- Dinalupihan (5) Entry No.2 Race 5- Entry No,10 , Magat Salamat 4 Race 6- Daginding (8) Gee’s Star RACE 7- Lundagin mo Baby(2) Can You Giub (5) Race 8- Garantisado (8) Senor Lucas (3) Race 9- WooLooMooLoo (2)
1st.WTA (1-7) 7-6-8/2/310/1-2-5-7/4-10/8-10/2-5
2nd WTA (3-9) 10/1-2-5/4-10/8-10/2-5/8/3
Pick 6(4-9) 1-2-5-7/4-10/8-10/2-5/8/3
1st. Pick 5(2-6) 2/10/1-2-5-7/4-10/8-10
2nd Pick5(5-9)4-10/8-10/2-5/8/3
Pick 4 (6-9) 8-10/2-5/8/3





Comments