Malinaw ayon sa palad... LALAKING NAKATAKDANG MAKATAGPO NG BABAENG HINDI MUKHANG PERA


KATANUNGAN
Matagal na kami ng girlfriend ko, pero dahil wala akong permanenteng trabaho ay hindi ko siya mapangakuan ng kasal hanggang sa mabalitaan kong bigla na lamang siyang sumama sa ibang lalaki.
Alam ko kung bakit nagawa niya sa akin ito dahil wala akong pera, mapera kasi ‘yung sinamahan niyang lalaki. Sa ngayon, ang balita ko, malapit na silang ikasal.
Ang gusto kong itanong o malaman ay kung may pag-asa pa kaya kaming magkabalikan o tuluyan na siyang mawawala sa akin at kung matutuloy ba ang kasal nila ng bago niyang boyfriend?
At kung mawawala na siya sa akin, kailan kaya ako muling magkaka-girlfriend at ang ikalawang girlfriend ko na kaya ang aking mapapangasawa? Ano ang kanyang zodiac sign?
KASAGUTAN
Tama lang na kalimutan mo na ang girlfriend mong sumama sa ibang lalaki na mapera dahil ito rin ang nais sabihin ng naputol at nagkabilog na unang bahagi ng Heart Line (Drawing At a. B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na tulad ng nangyari na at mangyayari pa sa kasalukuyan, bago ka tuluyang lumigaya sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, luluha ka muna sa kabiguan dahil sa relasyong matagal mong iningatan, ngunit, wala rin palang patutunguhan.
Gayunman, hindi ka dapat malungkot o manghinayang sapagkat may ikalawang mas maganda at mas okay sa alright na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) na sumulpot sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa ikalawang pag-ibig, maaaring sa pagkakataong ito ay hindi na mukhang salapi ang babaeng magiging girlfriend mo, bagkus, ka-level lang siya ng iyong pamilya, hindi masyadong mayaman at hindi rin naman kahirapan ang buhay kung saan tiyak ang magaganap, isang tunay at panghabambuhay nang relasyon ang magpapaligaya sa inyong dalawa.
Ang pag-aanalisang liligaya ka na sa ikalawang pag-ibig ay madali namang kinumpirma ng gumanda at naayos ding Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa gitna hanggang sa dulong bahagi sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na pagkatapos ng matinding kabiguan sa pag-ibig, may ligaya rin itong dulot sa dakong huli.
MGA DAPAT GAWIN
Marvin, bagama’t, magiging maayos na ang susunod mong pakikipagrelasyon, hindi ka dapat manatili na walang trabaho at pa-extra-extra lang sa konstruksiyon, sa halip, huwag kang tumulad sa ibang istambay d’yan na hindi nagsisikap.
Kailangan mong magsikap upang umunlad ka at nang mabigyan mo ng magandang buhay ang bubuuin mong pamilya sa hinaharap at mapag-aral mo ang iyong mga anak sa kolehiyo nang sa gayun ay hindi sila matulad sa iyo.
Kaya tulad ng nasabi na, simulan mo nang magsikap ngayon, alang-alang sa susunod na babaeng mamahalin at pakakasalan mo upang hindi ka na niya muling iwanan kung saan ayon sa iyong mga datos, ang nasabing ikalawang babae na siya na ngang makakasama mo sa pagbuo ng simple, pero masayang pamilya ay nakatakdang maganap ngayong 2019 sa buwan ng Hulyo o kaya ay Agosto, sa edad mong 28 pataas.




Comments