top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya raw pala maraming fans… DINGDONG, IBINULGAR ANG NATUKLASAN KAY VICE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 2, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

GRABE ang papuri na ibinigay ni Dingdong Dantes sa co-actor niyang si Vice Ganda, na kasama niya sa peli­kulang Fantastica na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

Ikinuwento ng aktor sa kanyang Insta­gram post ang kuwento sa kanya ng Unka­bogable Star na dati raw ay isa lang itong fan na nag-aabang sa pagdaan ng mga karosa ng MMFF sa tapat ng FEU na pinapa­sukan nito noon.

Pero ngayon, isa na ito sa mga stars na kumakaway sa itaas ng float na inaabangan ng libu-libong tao.

Ani Dingdong, “Tignan mo naman ang tadhana — ang dating kumakaway bilang manonood ay siya nang kumakaway mula sa float na tinitingalaan ng marami.”

Kasunod nito, nagpasalamat ang aktor sa Unkabogable Star sa pagkakataong ibinigay sa kanya na makilala ito at makasama sa pelikula.

“Maraming salamat, Vice, at nabigyan ako ng pagkakataon na malaman kung bakit ka nga ba minamahal ng milyun-milyon na­ting mga kababayan,” pahayag ni Dingdong.

Ikinuwento ni Dingdong na pagkatapos daw niyang makatrabaho si Vice Ganda ay naintindihan na niya kung bakit ito mina­mahal ng marami nating kababayan.

“You give so much of yourself to that difficult quest of entertaining people who need it the most — at the place, and at the right time. Sabi nga ni PT Barnum, ‘The noblest art is that of making others happy.’ Hindi siya madali, but you always wing it. Congratulations, Fantastic ka!” pagtatapos nito.

Agad namang sumagot ang Unkabo­­gable Star at nagpasalamat sa magagan­dang sinabi ni Dingdong.

Aniya, “Maraming Maraming Salamat!!! Mula noon hanggang ngayon isa akong tagahanga. At isa ka sa mga hinahangaan at inaasam na makita kong artista noon pa man. At hanggang ngayon palihim akong sumusul­yap sa ‘yo tulad ng isang pang­karaniwang fan at idagdag pa ang pag­kakataranta ko ng dumating ang asawa mong si Marian sa set. Napakapalad ko na ang isang fan na tulad ko ay nakakapiling at nakakatrabaho na ang mga artistang hina­hangaan ko. Nagkaka­totoo talaga ang pangarap. Salamat sa pagkakata­on!!!! At CONGRATULATIONS sa ating lahat. Tagumpay tayo!”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page